Arestado ang anim (6) na katao na gumagamit sa katauhan at pangalan ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos upang makapambiktima sa pamamagitan ng pagbenta ng posisyon sa BARMM Region.

Sa pamamagitan ng mga magagaling na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Diahn Dagohoy Sanchez, Bolkisha Datadacula Baltz, Alejandro Lorino Jr. Y Barcena, isang alyas “Ronald”, at mga indibidwal na sina Joseph Catunao, Leomar Abon at Tita Natividad.

Mahaharap ang mga ito sa paglabag sa Artikulo Bilang 177 o ang Usurpation of Authority or Official Functions ng Rebisadong Kodigo Penal at Syndicated Estafa.

Ikinasa ng ahensya ang operasyon matapos na magreklamo si former Maguindanao Governor at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu na inalok ng isa sa mga suspek ng posisyon sa BARMM Government sa halagang 8 milyong piso.

Nilinaw naman ng ahensya sa pamamagitan ni NBI Director Jaime Santiago na walang kaugnayan o katungkulan sa palasyo ang mga suspek na gumamit sa katauhan at pangalan ng unang ginang na si Ginang Liza Marcos.