Taliwas sa mga naunang napabalitang siya mismo ang magfifile ng kandidatura bilang alkalde, nagfile ang kampo ni former Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi sa pamamagitan ng representante nito na si Atty. Jarissa Guiani ng mga COC’s ng anim nitong tatakbo na konsehales ng lungsod.
Bitbit ang authority to file COC bilang representante, agad naman na tumungo si Atty. Jarissa sa loob ng Shariff Kabunsuan Cultural Center at doon ay inestima sya ni City Election Officer Atty. Norpaisa Manduyog upang tanggapin ang mga papeles na dala nito kahapon, October 2.
Tatakbo ang anim na di pinangalanang konsehales sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition na kung saan Party Chairman for Cotabato City ang dating lady mayor.
Inaasahang sasagutin na rin ng dating alkalde ang mga haka hakang tatakbo ito kalaban ang Incumbent Mayor na si Bruce Matabalao ng UBJP at Mayoralty Aspirant na si Vice Mayor Butch Abu ng partidong SIAP.