Anim na yunit ng bagong Mini Dump Trucks ang matagumpay na naiturn-over ni MP Nabil Tan sa ilang mga barangay sa Sulu.

Kabilang sa nabahaginan ng nasabing trucks sa pamamagitan ng Ministry of Public Works o MPW ang mga Barangay ng Walled City, Takut-Takut, Chinese Pier, Tulay, Alat at San Raymundo.

Layunin aniya ng proyekto ang pagtugon sa lumalaking pangangailangan ng mga baryo sa solid waste management, calamity response at iba pang gawain.

Galing sa tinatawag na TDIF o Transitional Development Impact Fund ni MP Tan ang nasabing programa.

Bagamat final and executory na ang hatol ng Korte Suprema hinggil sa pagkakabura sa Sulu sa mapa ng BARMM, patuloy pa rin ang BARMM Government sa pagtulong at pagseserbisyo sa mga mamamayan ng Sulu habang nasa ilalim pa ito ng pagpapalit ng pamunuang rehiyonal.