Isang linggo lang isinagawa pero animnapu’t pitong katao ang naaresto!
Ganito isalarawan ng PRO-BAR ang kanilang One Week Law Enforcement Operations sa buong rehiyon.
Sa lingguhan na ulat ng tanggapan ng PRO-BAR, kabilang sa mga nadakip ang mga personahe na wanted, mga durugista, mga sugarol, smugglers at mga illegal loggers.
32 aniya ang nadakip sa pagkakaugnay sa droga at nakunan ng 127 grams ng shabu na may halagang P800,000.00.
20 naman na katao ang naaresto sa nagpapatuloy na manhunt ng kapulisan laban sa mga wanted na personahe.
72 na loose firearms naman ang narekober at nakuha ng PNP at lima naman ang naaresto sa pagdadala ng mga di dukumentadong baril habang isang pampasabog naman ang nakumpiska.
Sa operasyon naman tungkol sa iligal na sugal, apat ang arestado habang anim naman ang lumabag sa mga lokal na ordinansa.
13 naman na kasapi ng lokal na teroristang grupo ang kusang sumuko sa kapulisan.