Ibinunyag ng mismong direktor ng PRO-Davao PBGen Leon Victor Rosete sa kanilang flag raising ceremonies nitong lunes na may (7) pito itong kawani na nagpositibo sa iligal na droga at may partisipasyon sa mga aktibidad na may kinalaman sa droga.

Ito ay base sa kanilang latest internal cleaning program na mandato ng PNP National Headquarters.

Anim (6) sa mga ito ang nagpositibo sa paggamit ng droga samantalang isa (2) naman ang may partisipasyon sa drug trafficking.

Ayon kay PBGen. Rosete, patuloy sila sa paglilinis sa kanilang hanay upang mapanatili ang reputasyon at malinis na imahe ng hanay di lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa na rin sa pangkalahatan.

Pinalalahanan din ng hepe ang mga ito na sumunod sa mga regulasyon ng pambansang kapulisan para na rin sa kanilang pamikya at sa kanilang komunidad at upang di masayang ang kanilang serbisyo sa bayan.