Pinangunahan ni BGEN Edgar L. Catu ng 601st Brigade ang Peace Forum noong Marso 15, na dinaluhan ng mahigit 200 miyembro ng MILF-BIAF upang palakasin ang ugnayan at pagtutulungan para sa kapayapaan sa BARMM.

Dumalo sa forum sina LTC Robert F. Betita (1st Mechanized Infantry Battalion), Anwar Alamada (MILF-AHJAG), Omar Bayao (CCCH), LGU-Datu Blah Sinsuat representative, at mga MILF field commanders mula sa iba’t ibang base commands.

Tinalakay sa open forum ang mga isyu ukol sa nalalapit na halalan at mga mungkahing hakbang upang mapanatili ang katahimikan. Nagpahayag ng suporta ang MILF sa mapayapang halalan.

Pinasalamatan ni BGEN Catu ang mga dumalo sa kabila ng Ramadan.

Aniya, simbolo ito ng kanilang sinseridad para sa kalilintad o kapayapaan. Hinimok niya ang lahat na igalang ang batas at karapatang bumoto ng mamamayan.

Hinimok din ni BGEN Donald M. Gumiran ng 6ID ang pagkakaisa para sa maayos at ligtas na eleksyon, at tiniyak ang suporta ng kanilang hanay sa mga programa ng BARMM nang walang kinikilingan.