Arestado ang tatlo katao matapos na mahulihan ito ng pinaghihinalang shabu sa Barangay Manacab Poblacion sa bayan ng Buadiposo Buntong sa Lanao Sur.
Kinilala ng mga kapulisan ang mga suspek sa mga alyas nito na Sobair, Marivic at Masiah na nasa hustong mga gulang na.
Nakumpiska mula dito ang suspected na shabu na may tinatayang halaga na aabot sa 615,400.00.
Kasalukuyan namang nakapiit sa Buadiposo Buntong Municipal Police Station ang tatlo habang nasa pagiingat rin ng mga ito ang mga nasamsam na ebidensya para sa wastong pagdodokumento at paghahain ng kaukulang kaso.
Nakatanggap naman ng papuri kay PRO BAR Regional Director BGen. Jaysen De Guzman ang mga tauhan ng Buadiposo Buntong MPS dahil sa matagumpay na pagkakahuli ng mga suspek at sa mabilis na aksyon ng mga ito.