Patay ang isang lalaki matapos malunod sa rumaragasang baha sa Purok Mangga, Barangay Tandubuay, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Leodegario, 62-anyos, isang mekaniko at residente ng San Pablo, Zamboanga del Sur.

Napag-alaman na galing umano ang biktima sa Barangay Teniapan, pauwi na at sinubukang tumawid sa baha’ng bahagi ng kanilang lugar sakay ng kanyang motorsiklo ngunit inanod ito sanhi ng malakas na daloy ng baha.

Agad namang nagsagawa ng retrieval operation ang mga responding personnel ng San Pablo at iba pang kawani.

Sinubukan ding I -revive ang biktima matapos dalhin sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara na itong dead on arrival.