Matapos ang sunod-sunod at tila ay walang takot na mga insidente ng pagpatay sa bayan ng Datu Hoffer, Maguindanao Del Sur na kung saan ay mga kapatid nating katutubo ang biktima, hinikayat na ni 6th Infantry Division Commander Maj. Gen. Antonio Nafarette ang lokal na gobyerno ng Datu Hoffer na bumuo na ng task force na siyang tututok at aampat sa lumalalang krimen sa bayan.
Ayon kay MGen. Nafarette, sa pamamagitan lamang aniya ng isang ordinansa o resolusyon sa Sangguniang Bayan, magagawa aniya na makabuo ng Task Force ang LGU.
Aniya, sa pamamagitan ng pagkakabuo ng nasabing Task Force, magkakaroon aniya ng solusyon ang mga walang habas na patayan sa nabanggit na bayan. Hinikayat din ni MGen. Nafarette ang mga kaanak ng mga napaslang na dumulog sa mga autoridad at wag matakot na iulat at magsampa ng kaso dahil dito aniya ang magiging basehan ng pagkilos ng pamahalaan upang mahabol ang mga halang ang kaluluwang mga suspek na basa likod ng krimen.
Takot aniya na namamayani sa mga residente ang dahilan ayon sa isang opisyal ng LGU ang dahilan upang di naiuulat o naisusuplong abg mga krimen maging ang mga nasasangkot dito kung kayat di nasusulusynan ang problema sa nasabing bayan.