Nilinaw ni Lt. Col. Roden Orbon, tagapagsalita ng 6th Infantry Kampilan Division (6ID), na ang mga dokumentong kinuha kamakailan ay mula mismo sa Commission on Audit (COA) office at hindi sa opisina ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE). Ani Orbon, pagmamay-ari ito ng COA at ang papel lamang ng militar ay magbigay ng security assistance matapos silang hilingin ng COA National
Dagdag pa niya, ang mismong COA ang nagpatupad ng retrieval at hindi malinaw kung sila’y nakipag-ugnayan sa MBHTE. Giit ni Orbon, hindi ito operasyon ng AFP, kundi malinaw na pinangunahan ng COA. Kaugnay ng presensya ng mga naka-uniporme at heavily armed personnel, sinabi niyang ito ay alinsunod sa direktiba ng kanilang pamunuan at bahagi ng pagtugon sa opisyal na kahilingan ng COA
Tiniyak din ng opisyal na ang lahat ng aksyon ay naaayon sa protocol ng AFP at ang kanilang layunin ay maiwasan ang anumang kaguluhan. Kaugnay ng pagkabahala ng ilang empleyado ng MBHTE at sa pahayag ni Chief Minister Mohagher Iqbal, iginiit ni Orbon na wala silang nilabag na batas at bukas silang humarap sa anumang legal na proseso at koordinasyon
Sa usapin naman ng diumano’y disruption, nanindigan si Orbon na ang AFP ay nasa tamang papel at nagbigay lamang ng seguridad. Dagdag pa niya, hindi na rin bago ang presensya ng heavily armed personnel sa loob ng Cotabato City at maging sa BGC.