Ang nagpapatupad, bumabali. Ang nagpapayapa, nagpapagulo.
Yan ang naging reaksyon ng karamihan matapos na maaresto kahapon ng mga operatiba ng Sultan Kudarat Provincial Police ang pito (7) nitong mga kabaro na kasapi ng CIDG na nakadestino din sa probinsya.
Sila ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives.
Kinumpirma naman ng hepe ng pulisya sa probinsya na si Col. Bernardo Lao ang nasabing paghuli sa pito na di pinangalanan na ang isa ay may ranggong Staff Sargeant at anim ay patrolman.
Di pa daw dito natatapos ang paglansag sa mga itinuturing na scalawags in uniform dahil dalawa pang opisyal ng CIDG ang nakatakda din nilang tugisin ayon kay Lao.
Ang mga ranggo ng mga opisyal ayon kay Lao ay isang Kapitan at isang Major.
May mga kinakaharap itong kaso na di na rin idinetalye pa ni Lao.
Ayon kay Lao, nagpadala na rin ng surrender filler ang isang opisyal at nagbigay na din ito ng kahandaang sumuko ng boluntaryo upang humarap sa kaso.