Nilinaw ni Bangsamoro Member of Parliament (MP) Atty. Naguib Sinarimbo na bilang bahagi ng bagong redistricting na nakasaad sa Bangsamoro Autonomy Act No. 77 (BAA 77), may 7 bakanteng upuan sa Bangsamoro Parliament na hindi na napunan dahil nakapaghain na ng kandidatura ang ibang mga tatakbo para sa halalan bago pa maipatupad ang bagong hatian ng mga distrito
Ayon kay MP Sinarimbo, kasama sa kapangyarihang ibinigay ng Kongreso sa Bangsamoro Government sa ilalim ng redistricting ang pagdedesisyon kung paano pupunan ang mga posisyong ito
“Sa ilalim ng batas, binigyan ng discretion ang Parliament kung paano pupunan ang pitong mga bakanteng posisyon, at ang naging desisyon ay ipaubaya sa Pangulo ng bansa ang pagtalaga sa mga ito.” Ani Sinarimbo
Ang 7 bakanteng puwesto ay resulta ng transition period sa pagitan ng lumang apportionment at ng bagong hatian ng mga distrito. Ipinatupad ang redistricting upang magkaroon ng mas patas at makatarungang representasyon sa loob ng Bangsamoro Parliament. Sa bagong batas, hinati ang BARMM sa 32 parliamentary districts, na may alokasyon para sa bawat lalawigan at lungsod
Ngunit dahil hindi na ito maipatupad sa 2025 elections bunsod ng kakulangan sa panahon para sa preparasyon, mananatiling basehan ang lumang hatian ng distrito sa darating na halalan, ayon sa Commission on Elections (Comelec)
Sa kabila nito, iginiit ni Sinarimbo na mahalagang unawain ng publiko ang layunin ng redistricting
“Hindi ito para sa pansariling interes ng mga pulitiko. Layunin ng BAA 77 na tiyaking maririnig ang boses ng bawat lalawigan at lungsod sa loob ng Parliament.” – dagdag pa ni Sinarimbo
Inaasahan na magiging isa ito sa mga sentrong isyu sa mga darating na kampanya at diskusyon sa rehiyon.

















