Pinakawalan ang 78 bagong-hatch na pawikan sa Barangay Dumanggas Nuevo, Kalamansig, SultanKudarat noong Pebrero 7, 2026, sa koordinasyon ng 35th Marine Company ng 5th Marine Rifle Battalion, Philippine Navy, Maritime Police, at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Ayon sa ulat, bahagi ang aktibidad ng patuloy na hakbang para maprotektahan ang marine biodiversity at mapanatili ang mahahalagang coastal ecosystems sa lugar. Layunin din nitong palakasin ang kamalayan ng lokal na komunidad sa pangangalaga ng endangered species, partikular ang pawikan.
Itinuring ang inisyatibo bilang kolaborasyon ng mga ahensiya ng gobyerno at militar sa ilalim ng umiiral na marine conservation at coastal management programs, na nakatuon sa pangmatagalang proteksyon at sustenableng paggamit ng likas yaman.


















