Walong katao ang iniulat na nasawi sa madugong aksidente na kinasangkutan ng isang truck at umararo sa ilang mga sasakyan at kabahayan sa Malasila, Makilala North Cotabato kahapon ng umaga.

Batay sa pagkalap ng mga pangalan ng Makilala PNP, kinilala ang mga patay na sina Joel Pamplona, Christina Pamplona at ang pinakabatang nasawi na si Jeremiah Pamplona, ang truck driver na si Leopoldo Ybanez, Benjamin Ganub, Jeralyn Bangcot, Carlos Dejucos at Jeomar Pagaran Ramirez.

Sugatan naman ang anim na katao na kinabibilangan nina Airie Toledo, Dannie Jay Babor, Joseph Cabaña, Annamarie at Christian Jay Caparida at ang helper ng nasawi na si Ybanez na si Eulan Esparcio.

Sa ngayon, nasa kani-kanila nang mga kaanak ang mga nasawi sa madugong aksidente habang nagpapagaling naman sa bahay pagamutan ang mga nasugatan sa insidente.