Naging peaceful and orderly sa kabuuan ang naging isang linggong paghahain ng mga COC at Manifestation of Intent to Participate ng mga lalahok para sa First Bangsamoro Parliamentary Elections sa rehiyon.
Sa tala, 8 na mga regional political parties at 109 na mga representante sa distrito ang nakapaghain ng kanilang mga dokumento para sa kanilang paghahangad na magpasailalim sa paghusga ng taumbayan.
Kabilang sa walong Regional Political Parties na nagfile sa isang linggong filing period ay ang Moro Ako Party, UBJP, Pro Bangsamoro Party, Bangsamoro Party, BARMM Grand Coalition, Mahardika, 1ASC maging ang RAAYAT Party.
Samantala, 109 naman na mga kakandidato bilang district representatives ang naghayag ng kanilang pagnanais na kumandidato kung saan, 5 ang sa SGA BARMM, 10 sa Tawi Tawi, 14 sa Basilan, 41 sa Lanao Del Sur, 24 sa Maguindanao del Norte at 15 naman sa Maguindanao del Sur ang naitala ng kumisyon.
Ang mga tanyag na naghain ng kanilang kandidatura sa nakalipas na linggo ay sina Maguindanao del Norte Governor Sam Gambar Macacua, Former Comelec Chairman Sheriff Abas, Former MILG Minister Naguib Sinarimbo at MP Romeo Sema. Naging maayos naman ang pagsasagawa ng naturang filing period kahit na mayroon pang nakaambang pagpapapigil ng naturang halalan sa susunod na taon ang dalawang kapulungan ng kongreso.
Naisakatuparan ito ng Comelec BARMM katuwang ang kapulisan, mga Marines at mga militar na umaktong tagapayapa sa mismong filing areas o mga lugar ng filing.