Tinatayang aabot sa PhP 87,000,000.00 ang halaga ng mga iba’t-ibang narkotiko at droga na gaya ng Shabu, Cocaine at Marijuana ang sinunog ng mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA BARMM kahapon, Setyembre 22
Bago sunugin ang mga nasabing epektos, ginamit muna ito bilang ebidensya sa mga samut-saring narcotic and drug trafficking cases sa mga korte sa buong rehiyon
Naganap ang pagsunog o destruction of illegal drugs and narcotics sa isang renewable energy generating plant na pagmamay-ari ng Lamsan Incorporated sa bayan ng Sultan Kudarat
Sinaksihan at magkatuwang naman na pinangunahan nina PDEA BARMM Regional Director Gil Castro, PRO-BAR Regional Director PBGen. Jaysen De Guzman, BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, Maguindanao Norte VGov. Marshall Sinsuat at Region 12 State Prosecutor Mariam April Veloso Mastura ang nasabing destruction activity
Layunin ng nasabing aktibidad na di na magamit sa iligal na pamamaraan ang mga nasabing ebidensya kung may magtangkang kuhain o ibenta ito muli sa labas ng ahensya o ang tinatawag na illegal drug recycling.