Kinundena ng siyam na alkalde ng Maguindanao del Norte ang itinuturing na kasinungalingan na sinasabi nina Maguindanao del Sur Governor Bai Mariam, dating TESDA Secretary Datu Teng at Sultan Kudarat Governor Datu Pax Ali Mangudadatu na nakikialam sa lebel ng politica sa BARMM si Special Assistant to the President Anton Lagdameo na siyang Executive Vice President ng Partido Federal ng Pilipinas.
Sa isang pagpupulong na pinatawag, sinabi ng mga ito na kinukundena nila ang walang patumanggang mga patama nito sa butihing SAP at ang mga panawagan dito na bumaba sa pwesto.
Para sa kanila, sila ay hindi pinilit ng palasyo o kung sinuman sa mga ito na umanib sa Partido Federal ng Pilipinas na kung saan ay kaalyado ito ng United Bangsamoro Justice Party.
Normal lang din aniya na asikasuhin ng isang SAP na kagaya ni Lagdameo ang kasalukuyang patag ng pulitika sa isang lugar.
Wala aniyang tinakot ang naturang SAP sa kanilang hanay kung kaya’t di nila alam saan galing ang balita ng dalawang Mangudadatu na sila daw ay tinakot ni SAP Lagdameo.
Kung kayat nananawagan din ang mga ito sa maginang Mangudadatu na isipin muna ang mga sinasabi o binibitawan bago ito sabihin sa publiko.