Nag negatibo ang 98 na mga tsuper at mga kunduktor na sumailalim sa drug test ng PDEA BARMM na may kaugnayan sa ikinasang Oplan Harabas Undaspot sa mga pangunahing public transpo terminals sa lungsod ayon kay PDEA BARMM Info Officer Jo Mary.

Pagtitiyak aniya ito ng ahensya na maging ligtas ang mga ihahatid nitong mga pasahero na dadagsa sa paguwi para madalaw ang kanilang mga namayapa nang mahal sa buhay.

Ukol naman sa mga naging positibo, may mga iniumang nang aksyon ang mga ahensya hinggil dito.