Hangad ni Maguindanao Norte Governor Abdulraof Sammy Gambar Macacaua ang kapayapaan at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong rehiyon ng BARMM.
Laman ito ng kanyang mensahe sa ikadalawamput-siyam na anibersaryo ng Police Community Relations Month na pinangunahan ng PRO BAR at ng direktor nito na si Bgen Prexy Tanggawohn sa PRO BAR Grandstand sa Camp SK Pendatun, Parang Maguindanao Norte.
Sa naging mensahe ng gobernador, sinabi nito na beyond measure o hindi matatawaran ang serbisyo at sakripisyo ng kapukisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.
Ayon sa gobernador, ang temang “Ligtas ka sa Bagong Pilipinas” ay sumasalamin sa pagnanais ng Administrasyong Marcos ng bagong mukha at pagunlad ng bansa.
Dagdag pa ni Macacaua, dapat ang mga pilipino ay nararapat na maging ligtas, empowered at binibigyan ng halaga at pagpapahalaga.
Batay sa proklamasyon bilang 764, bawat buwan ng Hulyo kada taon ay deklarado bilang Police Community Relations Month sa buong bansa.
Hangad naman ng nasabing proklamasyin ang pagpapatatag ng mabuting relasyon sa pagitan ng mamamayan at ng kapulisan at maisulong ang kagandahang imahe ng kapulisan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang mga aktibidades sa ground o field na kasama ang komunidad.