Muling pinagtibay ni Special Assistant to the President (SAP) Anton F. Lagdameo ang buong suporta ng pamahalaang nasyonal sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), partikular sa pagpapatuloy ng peace process at normalisasyon.

Sa kanyang pagbisita sa rehiyon, binigyang-diin ni Lagdameo ang kahalagahan ng normalization track na nakatuon sa pagtulong, pag-akay at pagbibigay ng epektibong suporta sa mga dating mandirigma at kanilang mga pamilya.

Bilang kongkretong pagpapakita ng sinserong suporta, personal na nagbigay si Lagdameo ng donasyong nagkakahalaga ng isang milyong piso para sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga anak ng nadekomisyong miyembro ng MILF.

Sa kanyang pahayag, iginiit ni Lagdameo na dapat magkasabay ang kapayapaan at kaunlaran, at tiniyak niyang naroon ang pamahalaan upang masiguro na walang maiiwan sa pag-unlad ng Bangsamoro.