Ngayong Martes, Agosto 26, 2025, pinangunahan ni Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade, ang isang mahalagang Peace Mediation sa pagitan ng grupo nina Hon. Datu Rhenz Tukuran “Datu Puti”, Mayor ng Nabalawag, SGA, BARMM, at ni Norodin Omar “Obiten”. Ang aktibidad ay ginanap sa Himpilan ng 6th Infantry (Redskin) Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Al Victor C. Burkley, Commanding Officer ng 6IB.
Kabilang sa mga dumalo at sumuporta sa mediation sina Lt. Col. Edgardo B. Batinay, Commander ng 34IB; Hon. Yasser Ampatuan, Board Member ng Maguindanao del Sur; Mr. Ansari K. Manan, MILF-CCCH; PCPT Anthony A. Basañes, COP ng Datu Piang MPS; Abdullah T. Unutan, U4, 14BDE, 105th BC, BIAF-MILF; Basir T. Mohammad, Cmdr, 14BDE, 105th BC, BIAF-MILF; Mr. Ustadz Abunawas I. Damiog; Mr. Salih Agay, Admin, 105th BC, BIAF-MILF; Kagi Johny Guiaman, PSRO ng LGU Datu Piang, MDS; at iba pang stakeholders.
Sa pamamagitan ng mediation, nagkaroon ng pagkakataon ang parehong panig na mag-usap, magpatawad, at magkasundo. Bilang simbolo ng kanilang hangarin na wakasan ang sigalot at ipagpatuloy ang maayos na ugnayan, lumagda sila sa isang Peace Agreement.
Ayon kay Brig. Gen. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Infantry (Unifier) Brigade:
“Ang kasunduang ito ay magsisilbing halimbawa na ang tunay na kapayapaan ay nakakamtan kung parehong panig ay handang magpatawad at magtulungan para sa ikabubuti ng lahat. Nawa’y maging tulay ito para sa mas matibay na ugnayan sa ating mga komunidad.”
Pinuri naman ni Maj. Gen. Donald M. Gumiran, Pinuno ng 6ID at JTFC, ang 601st Brigade at 6IB, kasama ang 34IB, lokal na pamahalaan ng Nabalawag, SGA, BARMM at Datu Piang, MDS, at mga lokal na lider ng MILF sa kanilang pagsisikap na pagtibayin ang kapayapaan sa rehiyon.
Aniya:
“Ang tagumpay ng Peace Mediation na ito ay patunay ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng AFP, lokal na pamahalaan, MILF, at iba pang stakeholders. Hinihikayat natin ang lahat na ipagpatuloy ang ganitong uri ng pagkakaisa upang matuldukan ang sigalot at makapagsimula ng panibagong yugto ng kaunlaran at kapayapaan sa lugar.”