Kumpirmado ng Bangsamoro Government ang pagtanggap nila ng opisyal na abiso mula sa Commission on Audit (COA) hinggil sa isasagawang special audit sa ilang transaksyon ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE).
Ayon sa pamahalaang Bangsamoro, kinikilala nila ang awtoridad ng COA alinsunod sa Saligang-Batas at nakahanda silang makipagtulungan at magbigay ng kaukulang suporta para sa maayos na daloy ng imbestigasyon.
Dagdag pa ng pamahalaan, seryoso nilang tinatrato ang naturang usapin at tiniyak na kanilang mga hakbang ay isasagawa nang may pagiging patas, maingat, at nakatuon para sa kapakanan ng buong Bangsamoro.