Nasisiyahan bilang isang Bangsamoro si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na marinig nito sa Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabandera sa mga naging pagbabago, pagangat ng hanapbuhay at kaayusan ng rehiyong Bangsamoro.
Aniya, ang malaking tulong ng nasyonal na pamahalaan sa rehiyon ang syang dahilan kung bakit nagagawa nito na magsilbi sa taumbayan partikular na sa mamamayang Bangsamoro sa naging SONA nito noong lunes.
Ikinatuwa rin ng alkalde ang pagaanunsyo ni PBBM ng salary increase sa mga kawani ng gobyerno na ibibigay sa apat na tranches.
Ayon kay Matabalao, ikatutuwa ito ng mga lingkod bayan at mas lalong magiging inspired ang mga ito.
Maghihintay naman si Matabalao ng magiging order patungkol sa anunsyo ng pangulo.
Samantala, kagagaling lamang sa Tamontaka 1 ang alkalde upang imonitor ang bigayan ng ayuda sa mga nabiktima ng biglaang pagbaha sa lungsod.
Nagpapasalamat si Matabalao sa National Government partikular na sa DSWD national sa mga ibinibigay nitong tulong upang makatugon sa pangangailangan ng mamamayan bukod pa sa mga tulong na ibinibigay ng BARMM Government partikular na ng MSSD.