Tanggal sa serbisyo si Henry C. Alcantara, dating District Engineer at dating Officer-in-Charge, Assistant Regional Director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Luzon, matapos mapatunayang sangkot sa umano’y “ghost projects.”

Base sa imbestigasyon ng DPWH, may mga proyekto na binayaran na nang buo pero wala namang aktwal na gawaing natapos, kabilang na ang “Construction of Reinforced Concrete River Wall” sa Bulacan. Lumabas din sa report ng Internal Audit Service na may mga kontrata kung saan bayad na pero walang nakatayong istruktura at kulang pa sa dokumento

Dahil dito, idineklara ng DPWH na guilty si Alcantara sa mga kasong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service

Pinarusahan siya ng dismissal from service at perpetual disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno. Bukod pa rito, maaari rin siyang harapin ng hiwalay na civil o criminal cases kasama ang mga kasabwat

Ayon sa DPWH, hindi dapat mapabayaan ang interes ng publiko dahil ito’y nakasisira sa tiwala ng tao at sa integridad ng gobyerno.