Isinumite ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo ang BTA Bill No. 397 na naglalayong magtatag ng Bangsamoro Children’s Hospital sa Cotabato City. Layunin ng nasabing panukala na mapangalagaan ang kalusugan at kinabukasan ng mga kabataan sa rehiyon.

Sa ilalim ng panukalang batas, itatayo ang isang 200-bed capacity hospital na pamamahalaan ng Ministry of Health. Nakapaloob dito ang pagbibigay ng specialized pediatric services, pagtugon sa malnutrisyon, pagpapatibay ng immunization programs, at pagbibigay ng suporta sa mga magulang upang masiguro ang kalusugan at kapakanan ng mga bata.

Ayon kay MP Sinarimbo, isang mahalagang hakbang ang pagpapatayo ng ospital na ito upang matiyak na walang batang mawawalan ng karapatan sa tamang serbisyong pangkalusugan. Aniya, ang kapakanan ng kabataan ang pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng Bangsamoro.