Pulitika pa rin ang namamagitan sa tila di pagkakaintindihan nina Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at sa dati nitong kaalyado na si Cotabato City Vice Mayor Johari Butch Abu.

Sa panayam ng Star FM Cotabato kay Mayor Matabalao, laging bukas ang pintuan nito kay VM Abu upang pagusapan ang mga nabinbing proyekto na nangangailangan ng pag-apruba sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at huwag sana pairalin ng bise alkalde ang pamumulitika upang makapaglingkod sila ng mahusay sa lungsod.

Ayon pa kay Matabalao, anumang oras ay maari din syang imbitahan ng Sangguniang Panglungsod sa kanilang mga hearing o patawag upang mapagusapan ang lahat lahat.

Bukas din sa lahat ng opsyon ang alkalde upang maaprubahan na ang lahat ng mga kahilingan lalo na ang kontrobersyal na dredging project na inihihingi nito ng pahintulot sa konseho