Muling tiniyak ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang di nito nagmamaliw at buong buo na suporta nito sa kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon sa kabila ng tuloy na tuloy nang First Bangsamoro Parliamentary Elections sa susunod na buwan
Ang pagtitiyak ay isinagawa sa 23rd Intergovernmental Relations Body o IRGB Meeting na ginanap sa Pasig City sa kalakhang Maynila
Sinabi ni MILF at BTA Leader Mohagher Iqbal, nananatiling matapat ang kanilang adhikain at dedikasyin sa kapayapaan, anupaman ang maging resulta at kahihinatnan ng eleksyon sa Oktubre
Tiniyak din ng pamahalaan sa pangunguna ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang buong suporta nito sa BARMM
Sa 2026 National Budget, aabot sa 104.57 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa rehiyon
Kabilang dito ang 93.98 bilyong block grant at ang 5 bilyong piso na pondo naman na gagamitin sa pagbangon ng mga lugar na naapektuhan ng mga kaguluhan sa nakaraan
Samantala, pumirma naman ang National Commission for Muslim Filipinos o NCMF at ang Bangsamoro Pilgrimage Authority sa isang kasunduan upang maging ligtas at maayos ang Hajj Operations para sa mga pilgrimadong Muslim na mula naman sa BARMM
Aniya, ito ay bahagi ng patuloy na tulungan ng pawang pamahalaan ng nasyonal at Bangsamoro para sa kapayapaan, serbisyo maging sa paniniwala at pananampalataya.