Matagumpay na nabuwag ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM ang isang drug den at naaresto ang limang indibidwal sa Rosal Street, Rosary Heights 6, Cotabato City noong Setyembre 10, 2025

Isinagawa ang buy-bust operation ng PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office sa tulong ng PDEA Maguindanao del Norte, PNP City Mobile Force Company Cotabato City, Police Station 2 ng Cotabato City Police Office, at Special Operations Unit ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) BARMM

Narekober mula sa kanila ang 19 na heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 6.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱44,200, kasama ang buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, isang identification card, at isang cellphone

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.