Sinibak sa puwesto ni Indonesian President Prabowo Subianto ang limang ministro kasunod ng marahas na kilos-protesta na nagresulta sa pagkamatay ng sampung katao at pagkakaaresto ng mahigit 3,000 demonstrador.

Kabilang sa mga tinanggal sa serbisyo sina Finance Minister Sri Mulyani Indrawati, Coordinating Minister for Politics and Security Budi Gunawan, gayundin ang Minister of Cooperatives, Minister of Youth and Sports, at Minister for Migrant Workers Protection.

Ayon kay President Subianto, ang kanilang pagkakatanggal ay tugon ng pamahalaan sa panawagan ng mga pamilya ng mga biktima na humihingi ng hustisya, matapos mamatay ang isang driver ng ride-hailing motor na nabangga ng police tactical vehicle habang sumasali sa kilos-protesta ang kabataan noong Agosto 28.