Umabot sa P20.68 milyon ang ginastos ng Office of the Vice President para sa mga biyahe ni Vice President Sara Duterte sa loob at labas ng bansa mula Enero hanggang Hulyo ngayong 2025.
Sa kabuuan, P13.207 milyon ang inilaan para sa mga lokal na biyahe, habang P7.473 milyon naman ang nagastos para sa mga foreign trips.
Ayon sa OVP, saklaw lamang ng nasabing halaga ang gastos para sa security personnel ng Pangalawang Pangulo, dahil personal na sinasagot ni VP Sara ang kanyang sariling gastusin.
Batay pa sa ulat, nananatili pang may P41.61 milyon na natitirang pondo para sa travel fund ng Bise Presidente sa ilalim ng 2025 budget.