Pinagaaralan na ngayon ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na sampahan ng kaso si Barangay Mother Kalanganan Chairman Bimbo Ayunan Pasawiran

Sa naging kumpirmasyon ni Matabalao sa naging interview nito sa Barangay Rosary Heights 5, sinabi nito na kinanlong umano ng nasabing kapitan ang dalawang pumaslang sa retiradong direktor ng Cotabato City Police Office at dating hepe ng Cotabato City Public Safety Office Police Col. Rolen Balquin

Ayon kay Matabalao, nakita umano nito sa isang video na kasama ni Chairman Pasawiran ang dalawang suspek sa Surigao City.

Dagdag pa ng alkalde, napasama umano sa pag-aresto ang kapitan dahil may isa umanong pulis ang nagbabala dito na madadamay siya sa kaso kung hindi nya ito isusuko sa pulisya

Dahil dito, humingi na ng tulong si Matabalao sa Ministry of Interior and Local Government o MILG at kanila nang pagaaralan kung may nalabag ba na batas o posibleng managot ang sinumang opisyal na nagkakanlong ng kriminal

Warning naman ni Mayor Bruce sa mga opisyales at mga kapitan ng lungsod, imbis na itago ang mga may alingasngas o katiwalian, makipagtulungan na lamang na tuntunin ito at panagutin sa iligal na gawain.