Isa na namang bagong tala ng pamamaril ang naningil ng hiram na buhay ng isang lalaki sa bahagi ng Barangay Langgapanan, Sultan sa Barongis sa Maguindanao Sur kahapon ng tanghali.

Sa ulat ni PRO BAR Spokesperson Lt.Col. Jopy Ventura, wala pang pagkakakilanlan ang kaawa awang biktima.

Batay sa ulat ng kapulisan, minamaneho ng pinaslang na biktima ang itim na Yamaha Bajaj 100 nito na motor mula sa Barangay Bulod ng nasabing bayan patungo sa GSK Pendatun ng barilin ito ng mga suspek ng maraming beses sa lugar.

Patuloy naman na inaalam ang motibo at kung sino ang nasa likod ng naturang krimen.

Kung maaalala, dalawang katao naman ang nasawi ng tambangan din sa Barangay Langgapanan sa nasabing lugar.