Nasabat ng Zamboanga City Mobile Force Company ang isang kargamento ng smuggled na sigarilyo na tinangkang ipuslit sa karagatang bahagi ng Sacol at Manalipa Islands, Zamboanga City.

Sa operasyon, narekober ng mga otoridad ang 445 cases ng Fort cigarettes na may tinatayang halaga sa merkado na umabot sa ₱25,498,500.

Agad namang itinurn-over ang mga nakumpiskang kontrabando sa Bureau of Customs (BOC) – Port of Zamboanga para sa wastong disposisyon.

All photo credits to PRO 9
Via 93.3 Star FM Dipolog