Nastranded sa isla sa gitna ng napakalawak na Kabacan River ang mga basketball player kasama din ang kanilang mga pamilya matapos na abutan ito ng pagtaas ng ilog o baha sa bahagi ng Barangay Doles, Magpet Cotabato.
Ang mga players at pamilya ay pawang na mga Barangay Binay sa nasabi ding bayan.
Ayon sa mismong nakaranas na si Zuriel Penuela, nanalo sa basketball game ang kanilang grupo at nagkayayaan na magkasiyahan ang grupo ng biglang nangulay putik na ang tubig na hinala nila ay ulan na galing sa itaas na bahagi ng nasabing barangay.
Nahirapan silang tumawid dahil sa lakas ng agos o kuryente ng tubig.
Agad naman na nakakuha ng lubid ang kanilang mga kasamahan at sa tulong na rin ng mga residente sa lugar ay nagtulong tulong silang irescue ng mano mano ang 30 katao.
Ligtas naman ang lahat at malaki rin ang kanilang pasasalamat sa mga nagligtas at nagtawid sa kanila.