Bumagsak ang pader ng isang paaralan partikular na ng Norala National High School sa Norala, South Cotabato dakong 7:26 ng gabi nitong Linggo, Setyembre 14.
Ayon sa uploader ng naturang CCTV footage na si Clineh Colubio, bigla na lamang bumigay ang bahagi ng pader ng paaralan sa harapan ng kanilang bahay.
Sa lakas ng impact ng nasabing pagbagsak, biglang nagbukas ang nakasara na gate ng garahe ng bahay.
Swerte na lamang na walang estudyante o residente na napadaan sa nasabing pader at nadamay sa insidente.
Agad naman na nagsagawa ng inspeksyon ang mga kawani ng paaralan maging ang Norala LGU upang matukoy ang sanhi ng naturang pagbagsak at para naman masiguro na ang babalikang paaralan ng mga magaaral at guro ay ligtas pang gamitin bilang paaralan.