Idineklara na ng Ministry of Interior and Local Government o MILG-BARMM ang estadong pangkalamidad o State of Calamity sa buong rehiyon. Ang deklarasyon ay nagbunsod dahil sa naranasan at nararanasan pang malawakang pagbaha sa rehiyon.
Dahil dito, nagpalabas ng memorandum ang MILG na pirmado ni Minister of Parliament at MILG Minister Atty. Sha Alba na nahbabawal sa mga government officials na bumyahe sa loob at labas ng ating bansa sa panahon ng kalamidad o ang Memorandum No. 1716 o Recall Order of Foreign Travel Authority.
Ginawa ang pagbabawal upang makapaghanda aniya ang mga lider at upang makagampan din ang mga ito ng kanilang tungkulin sa panahon ng kalamidad.