Patay ang isang engineer na empleyado ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek, Setyembre 16 ng gabi sa Sitio Tenorio, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Engr. Romeo “Ryan” Livelo. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nang bigla siyang pagbabaril ng salarin, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente at kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng pamamaril.