Tragedya ang sinapit ng dalawang lalaki na agad nasawi, habang dalawa pa ang nasa kritikal na kalagayan, matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Batulawan, Malidegao, Special Geographic Area (SGA) ng BARMM.

Batay sa inisyal na ulat, kabilang sa mga nasawi ang isang 2nd year student ng CFCST Pikit Extension na siyang nagmamaneho ng isa sa mga motorsiklo.

Patay rin ang driver ng kasalubong na motorsiklo, habang kapwa isinugod sa ospital at patuloy na nilalabanan ang buhay ang dalawang sakay nito.