Lubos na naghayag ng pasasalamat si CM Ahod Ebrahim na tumatayong pangulo ng United Bangsamoro Justice Party sa mga dumalo at nagpahayag ng suporta at pagtitiwala sa partido.
Ginawa ni Ebrahim ang pasasalamat sa huling Provincial Assembly ng UBJP sa lalawigan ng Sulu sa Notre Dame of Jolo College o NDJC ngayong linggo ng umaga.
Ayon kay Ebrahim, ang adhikain ng struggle ng Bangsamoro ay magkaroon ng identidad ng ONE UNITY at ito ay nagiging ganap na sa panahong ito.
Ang unifying factor ayon kay Ebrahim ay ang Islam at sumasalamin sa paglaban ng mga Islam o Moro sa mga mananakop ng bansa.
Ang pakikipaglaban ngayon ayon sa punong ministro ay kung paano masisigurado na sila pa rin ang mamumuno sa rehiyon.
Malaking tagumpay umano ayon kay Ebrahim ang pagkakaroon ng assembliya sa Sulu at hangarin ng partidong UBJP ang magkaroon ng maalwan na pamumuhay ang mga mamamayang Bangsamoro.
Dahil dito, sabi ni Ebrahim na buong sigasig silang kikilos kasama ang buong Partido upang maipagpatuloy ang nasimulan sa rehiyon na kaunlaran at tinatamasang kapayapaan at pagkakaisa.