Umabot na sa 14 ang kumpirmadong nasawi at 18 ang sugatan sa Taiwan hanggang alas-7 ng umaga nitong Miyerkules, batay sa ulat ng pamahalaang panlalawigan ng Hualien.

Ayon sa impormasyon mula sa National Fire Agency, 30 katao ang naiulat na nawawala kagabi at patuloy pang hinahanap ng mga rescue teams.

Samantala, kinumpirma ng Taiwan Fire Department na mayroong 124 katao ang nananatiling nawawala sa Hualien County.

Sa kalagitnaan ng pananalasa, nasaksihan din ang malalakas na alon na bumangga sa baybayin ng Heng Fa Chuen area.

Bago pa nito pininsala ang Taiwan, sinalanta na ng Super Typhoon Ragasa ang hilagang bahagi ng Pilipinas. Nagpatumba ito ng mga puno, nagtangay ng bubong ng ilang gusali, at kumitil ng hindi bababa sa dalawang buhay.

Libo-libong residente rin ang napilitang lumikas at pansamantalang tumuloy sa mga paaralan at evacuation centers.

All photos courtesy of Nina Yang (Facebook)

Source: The Guardian (International Edition)