Tomboy kinidlayan, patay, kasama nito sugatan

Isang kasapi ng LGBTQIA+ na “lesbian” ang patay matapos na tamaan ito kidlat habang sugatan ang kanyang kasamang babae sa Barangay Kayaga sa bayan ng Pandag sa Maguindanao Sur kahapon ng hapon.

Kinilala ang ang kasapi ng LGBTQIA+ na si Yvonhy Magalso habang di naman nabatid ang pagkakakilanlan ng kasama nitong babae na dinala sa ospital para lapatan ng lunas.

Sa naging ulat, malakas ang ulan ng napagpasyahan ni Magalso at kasama nito na babae na sumilong sa isang pwesto at dito na sila tinamaan ng kidlat.

Sa ngayon, nasa ligtas nang kondisyon ang babae habang nasa morgue na ang bangkay ni Magalso para sa kaukulang disposisyon.