Muling nagtipon-tipon ang iba’t ibang Civil Society Organization o CSO sa harapan ng Kongreso nitong Lunes, September 29.
Bitbit ng mga raliyista ang kani-kanilang placards na naglalaman ng panawagan sa pamahalaan na ipatupad ang Republic Act 12123 at tiyakin na matutuloy ang nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections sa darating na October 13, 2025.
Kasabay ng kanilang panawagan, umapela rin ang grupo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sibakin sa puwesto si Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity o OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr., bago pa man ang itinakdang halalan.
Ayon sa mga CSO, mahalaga ang kanilang panawagan upang mapanatili ang tiwala ng publiko at matiyak na ang Bangsamoro elections ay isasagawa sa tamang oras at ayon sa batas.