Pormal nang nilagdaan ngayong araw ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Bangsamoro Local Governance Code.

Ayon kay BARMM Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” A. Macacua, ang naturang hakbang ay isang mahalagang yugto tungo sa tunay na awtonomiya na nakabatay sa pananagutan, pagiging inklusibo, at serbisyong nakatuon sa mamamayan.

Sa ilalim ng BLGC, bibigyang-kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na patatagin ang kanilang mga institusyon, makalikom ng yaman, at maihatid ang serbisyo nang may transparency at integridad.

Kabilang din sa probisyon ang pagbabawal sa political dynasties, bilang pahayag na ang pamumuno ay isang tiwala ng bayan at hindi dapat ituring na pamana ng pamilya.

Binigyang-diin ng mga opisyal na ang lakas ng Bangsamoro ay nakasalalay sa katatagan ng mga lokal na pamahalaan—mula barangay hanggang probinsya—upang maging haligi ng kapayapaan, kaunlaran, at moral na pamamahala.

“The Bangsamoro will only be as strong as its local governments. Kapag matatag ang ating mga LGUs—mula barangay hanggang probinsya—magiging may #MasMatatagNaBangsamoro tayo.” Ani Macacua