Nagpahayag ng pakikiramay ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo (OVP) para sa mga mamamayan ng Cebu at Leyte na matinding naapektuhan ng 6.9 magnitude na lindol na yumanig nitong Setyembre 30 ng gabi.

Sa inilabas na pahayag, tiniyak ng OVP ang kanilang panalangin para sa kapayapaan ng mga nasawi, mabilis na paggaling ng mga sugatan, at agarang pagbangon ng mga apektadong komunidad.

Kasabay nito, inihayag ng OVP na magpapaabot sila ng tulong sa mga nasalanta sa pamamagitan ng kanilang mga satellite office sa Cebu, Bohol at Siquijor, Eastern Visayas, gayundin sa Panay at Negros Islands.

Bilang pagtatapos, ipinaabot ng OVP ang kanilang hangarin na magpatuloy ang lakas ng loob, pananampalataya, at pag-asa ng mga pamilyang dumaraan sa matinding pagsubok na dulot ng naturang trahedya.