Sa temang pagbibigay-pugay sa mga taon ng paglilingkod at pagdiriwang ng habangbuhay na dedikasyon, pormal na binuksan ng Schools Division of Cotabato City (SDOCC) ang selebrasyon ng World Teachers’ Day 2025 noong Oktubre 3, 2025.

Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng makulay na motorcade, registration, at isang makahulugang programa sa umaga.

Dumalo sa nasabing aktibidad si Member of Parliament Susana Anayatin, na nagbahagi rin ng mensahe mula sa Chief Minister. Nakiisa rin sa selebrasyon si MBHTE Minister Hon. Mohagher Iqbal at Director General Jun Salik. Kasama ring dumalo sina Former SDS Concepcion F. Balawag at Former CID Chief Dr. Pancho Balawag. Pinangunahan naman ng kasalukuyang pamunuan ng SDOCC ang programa sa pangunguna nina SDS Dr. Bai Rojana Sinsuat, ASDS Dr. Zahra I. Cerafica, ASDS Dr. Salik A. Sulaiman, CID Chief Benjamin M. Wahab, at SGOD Chief Ronnie R. Almia.

Isa sa mga tampok na bahagi ng pagdiriwang ang paggawad ng parangal sa mga guro na nakapagsilbi ng tatlong dekada o higit pa, bilang pagkilala sa kanilang tapat at walang humpay na dedikasyon sa edukasyon.

Bukod dito, naging masigla rin ang pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang parlor games, mga kapana-panabik na raffle draw, at iba pang aktibidad na nagbigay saya sa mga guro.

Muling ipinakita ng nasabing pagdiriwang na ang mga guro ang tunay na haligi ng dedikasyon at kahusayan sa larangan ng edukasyon.