Walang awang hinalay ng limang kalalakihan ang isang estudyanteng Senior High School sa bahagi ng Timako, Kalanganan 2 sa lungsod ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si alyas Anna at papasok na ito ng eskwelahan sa Barangay Datu Balabaran o Mother Tamontaka kahapon ng umaga, July 30.
Sa pagmamadali na makapasok, mas pinili nito sumakay sa striker na payong-payong kaysa sa mga regular na mga nagtuturnong motorsiklo sa bahagi ng kanto ng Bubong.
- Biktima di umano ng gang rape, umamin, mga alegasyon hindi totoo
- Trending na umano’y gang rape claim, walang magiging masamang epekto ayon sa pulisya
Habang binabagtas nito ang kalsada, nagtaka na lang ang biktima na sa halip na ibaba ito sa kanyang paaralan ay pinaharurot pa ito ng tsuper ng payong payong patungo sa Timako.
Hindi na nakapalag at nakahingi ng saklolo ang biktima dahil sa tinutukan ito ng armas ng backrider ng driver ng payong-payong.
Nang makarating sa lugar, may itim na van na lulan ng 3 kalalakihan ang nagpainom ng tubig na pinaniniwalaang may sangkap na kemikal sabay nawalan ng malay ang biktima dahilan upang umusad na sa panghahalay ang 5 na kalalakihan.
Tanghali na ng makalabas sa pinangyarihan si Alyas Anna at sinakay din ito ng payong payong upang ihatid malapit sa kanilang bahay.
Agad namang iniulat ng pamilya ng bata ang sinapit nito at agad din itong dinala sa ospital.
Dahil sa trauma, hindi na muna pagaaralin ng pamilya ang nasabing bata at kasalukuyan pa itong nagrerecover sa panghahalay.
Dahil dito, nanawagan naman ang mga kaanak nito ng hustisya upang mapapanagot ang mga manyakis sa batas.