Inihayag na ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-appoint kay Secretary of Justice Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman ng Republika ng Pilipinas, kasunod ng pagtatapos ng termino ni Hon. Samuel R. Martires noong Hulyo.
Si Secretary Remulla ay nagsilbi bilang ika-59 na Secretary of Justice simula Hunyo 2022, at sa ilalim ng kanyang pamumuno, isinusulong ang modernisasyon ng sistema ng hustisya, decongestion ng mga bilangguan, mas mabilis na resolusyon ng kaso, at mas malawak na access sa legal services.
Ayon sa Malacañang, bilang Ombudsman, inaasahan na isusulong ni Remulla ang transparency, anti-corruption measures, at patas na pagpapatupad ng hustisya. Binigyang-diin rin: “There will be no sacred cows, no exemptions, and no excuses. Public office is a public trust, and those who betray it will be held accountable.”
Muling tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na ang transparency, fairness, at rule of law ang magiging gabay ng administrasyon sa pagseserbisyo sa sambayanang Pilipino.