Bangsamoro Autonomous Region (OCD-BAR) sa pamumuno ni Regional Director Joel Q. Mamon ang pagpapadala ng ikalawang batch ng humanitarian aid mula sa Bangsamoro Government patungong Region VII, bilang tugon sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa lalawigan ng Cebu.

Sa koordinasyon ng Tactical Operations Group 12 (TOG-12), isinagawa ang air transport operation gamit ang dalawang (2) military aircraft mula Awang Airport patungong Mactan International Airport sa parehong araw.

Kabilang sa mga ipinadalang ayuda ang 300 kahon ng portable gas stoves, 336 kahon ng kettle, 312 kahon ng banig, 304 kahon ng kaldero, 260 kahon ng iba pang gamit sa kusina, at 300 kahon ng kumot mula sa Project TABANG ng Office of the Chief Minister ng BARMM.

Kasama sa misyon ang mga tauhan ng OCD-BAR, BARMM Project TABANG, at Brigada News FM Cotabato na tumulong sa turnover at dokumentasyon ng mga ayuda.

Tinanggap ng OCD Region VII ang mga relief items at nagpaabot ng pasasalamat sa BARMM Government at OCD-BAR sa patuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng sakuna sa Cebu.