Masuwerteng nailigtas ang humigit-kumulang 20 mangingisda matapos tumaob ang kanilang bangkang pandagat sa karagatang sakop ng Tamok Island at Duay Bulod Island sa Sulu.
Ayon sa ulat, agad na nirespondehan ng mga tauhan ng Basilan Maritime Police katuwang ang Philippine Coast Guard ang tawag ng kapitan ng bangkang FB MONA, matapos pasukin ng tubig ang naturang sasakyang pandagat.
Matagumpay na nasagip ang lahat ng sakay, kabilang ang kapitan ng FB MONA, at walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Sa ngayon, dinala na ang naturang bangka sa Teheem Island, Maluso para isailalim sa karagdagang inspeksyon.