Inilabas ng PAGASA ang pinakabagong weather update alas-3:10 ng hapon ngayong Biyernes, Oktubre 10, 2025, kung saan patuloy na nakaaapekto ang Southwesterly Windflow sa malaking bahagi ng Mindanao.

Batay sa ulat, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa mga lalawigan ng Davao Oriental, Surigao del Sur, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Davao Occidental, Sarangani, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, South Cotabato, Lanao del Norte, Bukidnon, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Misamis Oriental, North Cotabato, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Sultan Kudarat, at Dinagat Islands sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Samantala, katamtaman hanggang malakas na ulan ang kasalukuyang nararanasan sa ilang bahagi ng Davao Oriental (Mati City, Tarragona, Manay, Caraga, Governor Generoso), Bukidnon (Talakag, Impasug-ong), Lanao del Sur (Marawi City at mga karatig bayan), Misamis Occidental (Ozamis City, Tangub City), Zamboanga del Sur (Pagadian City at mga kalapit lugar), Zamboanga Sibugay (Ipil, Titay), Zamboanga del Norte (Gutalac, Baliguian), Tawi-Tawi, Agusan del Norte (Carmen, Nasipit, Buenavista), at North Cotabato (Alamada at Banisilan).

Maaaring tumagal pa sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras ang nararanasang pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababang lugar at bulubunduking bahagi ng rehiyon. Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na sa mga lugar na dati nang binabaha.